Paulit ulit.

Paulit ulit na akong nasaktan
Paulit ulit na umasang may babalikan
Gusto ng limutin ang nakaraan
Kung saan saan hinanap ang paraan

Napagod na akong maniwala sa salitang pagasa
Bakit puso lagi na lang nagdudusa
Ayoko ng umibig pang muli
Sapagkat lagi na lang nagkakamali

Nasaan ba ang tunay na kaligayahan
Tila puso ay nawalan na ng kahulugan
Nakalimutan ko na ang depinisyon ng pagmamahal
Nakalimutan na ako’y ginawa Mo ng banal
“Buuin mo ko Panginoon” ang tanging dasal

Tuwing gabi ang tanong Sayo bakit lagi na lang ako?
At unti unti mong pinaalala sa akin ang Iyong mga pangako.

Pangakong hndi Mo ako bibitawan
Kahit na paulit ulit Kang tinalikuran
Pangakong ikaw ang maghihilom ng sakit
Tuturuan Mo akong magmahal ulit.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s